Vendors



Vendors

Ang isang vendors o ang isang tagapagtustos , ay isang termino sa pamamahla ng supply chain na nangangahulugang sinuman na nagbigay ng mga kalakal o serbisyo sa isang kumapanya o indibidwal . Ang isang vendors ay kadalasang gumagawa ng mga bagay na imbentaryo at pagkatapos ay nagbebenta ng mga item na naaayun sa gusto ng costumer .

Ang vendor o nagtitinda sa kalye ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng lungsod sa buong mundo, na nagbibigay ng madaling pag-aacess sa isang malawak na hanay ng mga kalakal o serbisyo sa mga pampublikong espasyo . ibinebenta nila ang lahat simula sa sariwang gulay sa mga pagkaing inihanda, mula sa mga materyales sa pagbuo ng mga kasuotan at sining. 


base sa aming survey kalimitan sa mga street vendors ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa hirap ng buhay kaya napipilitan silang maghanapbuhay kaysa mag-aral.
Ang mga street vendors dito nila kinukuha ang pangaraw-araw na pangangailangan. ito rin ang nagtutustos sa pag-aaral ng kaniyang mga anak .

Nag- survey kami ng isang street vendor 
Pangalan : Emanda G. baldemoro
Edad: 45
Ilan ang anak: 6 tatlong babae , tatlong lalaki


Gaano na po kayo katagal na nagtitinda ng street foods? Mahigit 21 years na akong nagtitinda , dahil sa hirap ng buhay namin hindi na ako nakapag-aral . maaga narin akong nakapag-asawa 20 years old ay buntis na ako sa aking panganay. ito na rin kasi ang hanapbuhay ng aking ina kaya ito narin yung ginawa ko . Nasaan naman ang inyong ama? bata palang ako ng iwan kami ng aming tatay , lima kaming magkakapatid pero kahit vendors ang aking ina sa awa naman ng diyos ay nakapagtapos ang aking dalawang kapatid. ako ang panganay sa aming magkakapatid ako narin ang nagpatuloy negosyo ni nanay simula nung mawala siya .

Malakas po ba ang kita sa pagtitinda?  Malakas naman ang aking paninda ngunit minsan ay mahina naman Bakit? Dahil marami din akong ka kumpetensiya sa pagtitinda , kaya kung minsan ay palipat-lipat ako ng pwesto.

Magkano naman po yung kinikita niyo araw-araw? Mga nasa 600 to 700 malaki narin po pwede na pangtustos sa isang araw.

Ang pagtitinda ay hindi madali dahil mainit man o umulan ay walang tigil parin sa pagtitinda dito lang sila kumukuha ng panggastos nila sa pangaraw-araw.

Mga Komento